Sunday, May 10, 2009

Mama, I love you



Para sa isang Dakilang INA 
© 2009 Julie Ann Caringal

INAkay mo ako 
noong ako'y sanggol pa lamang
bINAntayan bawat araw, bawat gabi
at bINAlot ng wagas na pag-ibig

INAlalayan mo ako sa aking paglaki
kung saan saksi ang buong mundo
INAruga mo ang bawat isang
magandang katangian sa puso kong ito
 
Ako'y iyong INAalo
sa panahon ng kalungkutan at pighati
at ako'y iyong pINApatawad
anuman ang pagkakamali

Kaya abot langit ang aking pasasalamat
sa Poong Maykapal
na ibinigay Niya sa akin
ang isang INAng walang katulad

Happy MOTHER's Day, Mama!

No comments:

Post a Comment


Share your thoughts. :)

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...