Friday, June 12, 2009

Araw ng Kalayaan



MABUHAY ang PILIPINAS!
Long live the Philippines!

Today, Filipinos celebrate Philippine Independence Day. After more than three centuries under Spanish rule and other foreign colonizers, the Pearl of the Orient is finally out of its oppressive shell.

I don't have anything monumental to share that I've done this June 12th besides this blog post but this I have and want to say: I am proud to be a Filipino. I take pride in sharing in the colorful culture and rich history of the Philippines. This country is home to admirable heroes both acclaimed and unsung. Moreover, the Filipino has truly proven himself to be a global individual - able to adapt and excel in various fields in different places all over the world.

However, it is undeniable that in spite of the physical absence of foreign invaders from the country, some effects of being a colony for so long is still very much present in the society at this point - in lifestlye and mentality. There is still much to be done for all of us to leap as one nation.


Tagubilin at Habilin
G. Pete Lacaba

Mabuhay ka kaibigan
Iyan ang una’t huli kong tagubilin at habilin,
Mabuhay ka
Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo, mayaman ako sa payo

Maghugas ka ng kamay bago kumain
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lamang maka-iwas sa sisi
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi na kaya mong tulungan

Paupuin mo sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol
Magpasalamat ka sa nagmamagandang-loob
Matuto sa karanasan ng matatanda pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma

Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok
Huwag pagaksayahan ng panahon ang mga walang utang na loob
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan
Huwag papatay-patay sa ilalim ng pagitin
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan

Umawit ka kung nag-iisa ka sa banyo, umawit ka sa piling ng barkada
Umawit ka kung nalulungkot, umawit ka kung masaya
Ingat lang, huwag kang aawit ng My Way sa videoke bar at baka ka mabaril
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan
Dahan-dahan sa matatarik na landas, dahan-dahan sa malulubak na daan
Higit sa lahat inuulit ko, mabuhay ka

Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya, mabuhay ka
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas, mabuhay ka
Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan kung minsan ay gusto mo nang mamatay
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak
Huwag kang patatalo, huwag kang susuko

Narinig mo ang sinasabi ng awitin, gising at magbangon sa pagkagubilin
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig
Bumangon ka kung nananawagan ang kapus-palad

Ang sabi ng iba, ang matapang ay walang takot lumaban
Ang sabi ko naman, ang tunay na matapang ay lumalaban kahit natatakot
Lumaban ka kung iningungudngud ang nguso mo sa putik
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka
Buong tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinspiyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo

Mabuhay ka kaibigan
Mabuhay ka

(I got the Philippine flag picture by via Google and landing on Doomnet.)

No comments:

Post a Comment


Share your thoughts. :)

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...